Nagtungo na kanina sa St. Gerrard Construction compound ang Bureau of Customs upang inspeksyunin ang mga sasakyang pag-aari nina Curlee at Sarah Discaya, ang mag-asawang nakakuha umano ng maraming flood control projects ng pamahalaan.
Ngunit 3 lamang sa 12 luxury vehicles na nakasaad sa dala nilang search warrant ang naabutan sa garahe ng mga ito.
Nagbabala naman ang BOC na ipakukumpiska ang mga mamahaling sasakyan ng mag-asawa kung hindi nila ilalabas ang mga ito.