
Walang tumanggap sa invitation letter na ipinadala ng House of Representatives para sa may-ari ng St. Gerrard Construction.

Isa sa magiging top priority ng Social Security System o SSS ay ang pagpapaigting ng cybersecurity upang maiwasang mabiktima ng scam ang isang SSS member.
Samantala, mas tututukan din ng SSS ang edukasyon patungkol sa pensiyon ng mga propesyonal at self-employed na contributor.

Inilunsad ng Department of Budget Management ang flood control project components ng Digital Information for Monitoring and Evaluation o Project DIME para ma-monitor ng publiko ang mga proyekto ng gobyerno.
Samantala, nag-inspeksyon din ang MMDA sa Tripa de Gallina Pumping Station kasabay ng paglulunsad ng DIME.

Naaresto ng Philippine National Police - Anti Cybercrime Group ang isang babae dahil sa pagbebenta ng beep cards online.
Kaugnay nito, magpapadala na rin ng sulat ang Department of Transportation sa mga online selling platform para i-shutdown ang mga page na nagbebenta ng beep cards.

Ipinatatawag ng Land Transportation Office ang isang van driver matapos nitong manakot at mag-name drop ng isang opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority.
Ayon sa MMDA, sinita nila ang naturang driver dahil sa pagsingit nito sa pila na kung saan nakipagtalo ito sa traffic enforcer.