
Naihalal na rin ang mga miyembro at bloke ng Commission on Appointments sa panig ng Senado.
Samantala, itinalaga na sa ilang pang senador ang chairmanship ng iba pang Senate Committees.

Tumanggi si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na pirmahan ang witness protection request para sa mga Discaya.
Ito ay sa kabila ng apela ni Sen. Rodante Marcoleta na aniya’y ipinangako niya noong siya ay chairperson pa ng Senate Blue Ribbon Committee.

Ipinag-utos ng Senado ang paglilipat ng kustodiya ni Brice Hernandez, dating opisyal ng DPWH, sa Pasay City Jail.
Ito'y sa kabila ng apela ng ilang senador na maibalik ito sa Senate custody.

Very stable ang gobyerno.
Ito ang tiniyak ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa kabila ng mga isyu ng anomalya sa flood control projects sa bansa.

Plano ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na magsagawa ng internal cleansing sa Blue Ribbon Committee.
Ito ay sa harap ng isyu na isang staff ng naturang komite ang umano’y sangkot sa anomalya sa flood control projects.