
Nabuo na ang mga bagong opisyal at komposisyon ng Senate majority at minority blocs.
Naitalaga na rin sa mga senador ang chairmanship ng ilang Senate committees.

Planong sampahan ng kaso ni Sen. Jinggoy Estrada si Brice Hernandez, dating opisyal ng Department of Public Works and Highways.
Ito ay matapos idawit ni Hernandez ang mambabatas sa mga anomalya sa flood control projects.
Tinawag naman ni Sen. Joel Villanueva na isang demolition job ang pagdawit din sa kaniya ng former DPWH official sa umano'y anomalya.

Planong ibalik ni newly-appointed Senate President Vicente Sotto ang regular na caucus at iba pang polisiya sa Senado matapos nitong palitan sa liderato si Senador Francis Escudero.
Kinumpirma naman ng bagong Senate President ang chairmanship ng ilang Senate committee.

Mariing itinanggi ni Senator Jinggoy Estrada ang pahayag ni dating Assistant District Engineer ng DPWH na si Brice Hernandez sa pagdinig ng Kamara.
Hinamon din ito ng senador na sumailalim sa lie detector test.

Muling ipinagpatuloy ngayon araw ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon sa umano’y anomalya sa flood control projects.
Isa sa mga dumalo sa hearing ngayon si Navotas Lone District representative Toby Tiangco, kung saan isiniwalat nito ang umano’y insertions ni Ako Bicol Party-list Zaldy Co sa Bicameral Conference Committee para sa 2025 budget.