
Inihayag ni Sen. Panfilo Lacson na ang Department of Justice ang unang tumanggi sa witness protection request sa mga Discaya.
Samantala, ibinunyag rin ng senador na may mga kilalang personalidad na lumalapit sa kaniya para tumestigo kaugnay ng mga anomalya sa flood control.

Walang pagtatakpan sa imbestigasyon sa mga anomalya sa flood control projects.
Ito ang binigyang-diin ni Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Panfilo “Ping” Lacson sa pagpapatuloy ng pagdinig ng komite sa isyu.

Kita sa mismong CCTV footage ng Ienado ang indibidwal na nagdala umano sa isang senador ng 'lagay' mula sa maanomalyang flood control project.
Ito ang inihayag ng bagong Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Panfilo Lacson sa gitna ng pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado sa naturang isyu.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagdiriwang ng ika-108th kaarawan ng kaniyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Senior.
Inalala naman ng pangulo ang iniwang legasiya ng dating presidente.

Nagbigay ng kundisyon si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III upang pumayag siya sa request ni dating Blue Ribbon Committee Chair Rodante Marcoleta kaugnay sa Discaya couple.
May kinalaman ito sa request ng mag-asawang Discaya matapos pangalanan ang mga umano’y nangikil sa kanila kapalit ng flood control projects.