
Pinabulaanan ni Senate President Pro Tempore, Sen. Panfilo Lacson ang post ng isang Davao-based digital news network na nakalikom na umano ng bilang para maging tagapangulo ng Senado si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano.
Kumalat sa social media nitong weekend ang naturang breaking news na nagsasabing isa na naman itong rigodon sa Mataas na Kapulungan.

Planong komprontahin ni Senador Rodante Marcoleta si Justice Secretary Crispin Remulla sa pagbaliktad umano nito sa kaniyang pahayag.
Kaugnay ito ng kahilingan ng senador sa Department of Justice na isailalim ang mag-asawang Discaya sa Witness Protection Program.

Nananatiling may kaso sa Ombudsman si Justice Secretary Crispin Remulla.
Ito ang sinabi ni Senator Imee Marcos matapos maghain ng motion for reconsideration sa office of the Ombudsman kaugnay ng aniya'y dismissal ng mga reklamong administratibo at kriminal laban sa DOJ official.

Naghain na ang Senado ng sagot sa Pasay Regional Trial Court o RTC kaugnay sa petisyon ni Brice Hernandez, dating opisyal ng Department of Public Works and Highways.

Maaaring magrekomenda ng legislative parliamentary immunity si Senate Blue Ribbon Committee Sen. Panfilo Lacson bilang proteksyon sa mga tetestigo sa gagawing pagdinig ng Senado sa anomalya sa mga flood control projects.