Saving lives is not just a duty for us, but a lifetime commitment.
Tulong Muna Bago Balita is UNTV’s public service initiative that puts people first.
During accidents and emergencies, we prioritize immediate assistance over news coverage.
It reflects the network’s core value of placing human life and safety above all else.


Inasistihan ng UNTV News and Rescue ang isang motorcycle rider matapos mabangga sa isa pang rider sa Cagayan de Oro City.
Ayon sa biktima, tatawag sana siya sa mga awtoridad dahil sa nakita niyang isa pang aksidente, ngunit hindi niya inaasahan na siya rin ay rerespondehan.

Tumilapon ang isang motorcycle rider sa Camarines Norte habang binabaybay ang madilim na bahagi ng Maharlika Highway, Diversion Road, Brgy. Lag-on, Daet.
Nabangga ang rider sa isang aso kaya nangyari ang aksidente.

Dalawang magkahiwalay na aksidente ang nirespondehan ng UNTV News and Rescue sa Tarlac City at Davao City.
Sa parehong aksidente, maagap na tumulong ang rescue team upang magbigay ng first aid sa mga biktima.

Tinulungan ng UNTV News and Rescue team ang isang lady rider na naaksidente matapos mabangga ng pampasaherong jeep ang sinasakyan nitong motorsiklo sa Quezon Avenue sa Quezon City noong Huwebes ng gabi.

Tinulungan ng UNTV News and Rescue ang isang senior citizen sa Baguio City na dalhin sa ospital matapos makaramdam ng panghihina.Dahil sa labis na pag-aalala, hindi nag-atubiling humingi ng tulong ang mga kaanak ng pasyente.