Saving lives is not just a duty for us, but a lifetime commitment.
Tulong Muna Bago Balita is UNTV’s public service initiative that puts people first.
During accidents and emergencies, we prioritize immediate assistance over news coverage.
It reflects the network’s core value of placing human life and safety above all else.


Tunghayan ang mga mahahalagang pangyayari sa ating pagresponde sa pangalan ng Tulong Muna Bago Balita.

Tumugon ang UNTV News and Rescue sa isang vehicular accident na kinasangkutan ng isang van sa Davao City kamakailan.
Kasama ng grupo ang Central 911 sa agarang pagtulong at pagresponde sa sugatang biktima.

Isang lalaki na nadulas sa Trancoville, Baguio City ang nirespondehan ng UNTV News and Rescue team matapos makatanggap ng tawag mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO.

Tinulungan ng UNTV News and Rescue team ang isang lola sa Baguio City na maihatid sa kanilang tahanan mula sa pagamutan.
Samantala, nilapatan ng paunang lunas ng isang responder ng UNTV News and Rescue ang mag-asawang sugatan sa isang aksidente sa Sorsogon City.

Dalawang motorsiklo ang nagbanggaan kamakailan sa Libis, Quezon City.
Sugatan ang isang lalaki sa insidente na agad namang tinulungan ng UNTV News and Rescue.