Pinabulaanan ni Sen. Imee Marcos na may nangyayaring pangangalap umano ng pirma para sa bagong Senate President.
Ito ay sa gitna ng mga napaulat na kudeta o pagpapalit ng liderato sa mataas na kapulungan ng Kongreso.
Ngunit inamin ng Senadora na marami sa minority bloc ay hindi natutuwa sa direksyon ng Senado.