Walang dapat ikabahala ang publiko sa umiigting na usap-usapang destabilisasyon laban sa administrasyon, ayon sa National Security Council. Tiniyak ng NSC na mahigpit nilang mino-monitor ang sitwasyon at wala silang nakikitang anumang banta na dapat ikabahala sa ngayon.
Gayunman, hinimok nila ang publiko na mag-ingat at maging mapanuri sa mga impormasyong kumakalat online upang maiwasan ang paglaganap ng maling balita at panggugulo.






















