Unti-unti nang lumilinaw ang pag-asa sa posibleng pagtatapos ng halos apat na taong digmaan sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Ito ay kasunod ng pinakahuling pulong nina US President Donald Trump at Ukrainian leader Volodymyr Zelenskyy sa Mar-a-Lago sa Florida na tumagal nang mahigit dalawang oras.
Ayon sa dalawang pangulo, bagama’t may positibong senyales patungo sa kapayapaan, nananatili pang hindi nareresolba ang ilang mahahalagang bahagi ng kasunduan.






















