Sinampahan ng reklamo ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa Office of the Ombudsman ang ilang mga barangay officials sa Iloilo.
Kaugnay ito ng sumbong ng mga beneficiaries na kinukuha umano ng mga ito ang ayudang dapat ay kanilang tinatanggap partikular sa Assistance To Individuals In Crisis Situations o AICS program.






















