Inanunsyo ng transport group na Manibela na magsasagawa sila ng tatlong araw na transport strike mula December 9 hanggang 11.
Sa kanilang isinagawang press conference, sinabi ng presidente ng grupo na si Mar Valbuena na ang tigil pasada ay kanilang protesta laban sa umano'y sistematikong pangongotong at panggigipit ng ilang kawani ng LTO sa mga jeepney driver at mga operator.






















