Muling nagbukas ang operasyon ng pamahalaan ng Estados Unidos matapos lagdaan ni Pangulong Donald Trump ang $1.2 trillion spending bill, na nagwakas sa apat na araw na partial government shutdown.
Ngunit nananatiling mainit ang usapin sa pagpopondo para sa immigration enforcement, na maaaring magdulot ng panibagong bangayan sa Kongreso.






















