Kinondena ng isang Makabayan lawmaker ang kahilingan ni Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte para sa travel clearance patungo sa 17 bansa at teritoryo sa loob ng mahigit dalawang buwan.
Iginiit naman ng Malacañang na dapat alam ng constituents ng congressman ang mga biyahe niyang gagawin sa labas ng bansa.






















