Isang security guard ng Philippine Ports Authority ang agad na nagbalik sa may-ari ng isang pitakang naiulat na nawawala malapit sa ticketing area ng fastcat sa Barangay Banago sa Negros Occidental.
Pinuri naman ng PPA ang katapatan at malasakit ng kanilang tauhan na nagpapatunay ng ligtas at maaasahang serbisyo sa publiko.























