Itinaas na ng PAGASA ang El Niño alert kasunod ng nakikitang mataas na posibilidad ng pag-iral ng El Niño phenomenon sa bansa.
Ayon sa PAGASA, posibleng maranasan ang mas mainit at mas tuyong panahon mula Hunyo hanggang Agosto. Gayunman, maaari rin itong magdulot ng malalakas na ulan at bagyo sa pagsapit ng Setyembre.























