Hanggang katapusan ng Enero lamang ang itatagal ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) dahil bubuwagin na umano ito sa unang araw ng Pebrero, ayon sa anunsyo ni Senator Imee Marcos.
Ngunit ayon mismo sa ICI, wala pa silang natatanggap na pormal na abiso mula sa Malacañang hinggil dito.






















