Nagtungo umano sa Bureau of Jail Management and Penology Annex 2 sa Bicutan, Taguig City si Vice President Sara Duterte upang bisitahin at makipag-usap kay Ramil Madriaga ayon sa kaniyang abogado na si Atty. Raymund Palad.
Sa handwritten letter na ibinigay ni Madriaga, sinabi nitong dalawang beses nagpunta si Vice President Duterte doon, habang ang ibang pagkakataon naman ay staff na ng bise presidente.






















