Kinuwestiyon ni Senator Imee Marcos ang mga naging pahayag ni Ramil Madriaga sa Kamara, na aniya’y walang katotohanan at salungat sa mga pangyayari noong 2021.
Nanawagan din ang senadora sa kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na patigilin ang mga politikong umano’y ginagamit si Madriaga para sa pansariling interes.





















