Mahigpit na mino-monitor ng Department of Agriculture ang nagpapatuloy na gulo sa Middle East na maaaring magpataas sa presyo ng langis.
Ayon kay Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., posibleng tumaas ang gastos sa fuel, fertilizer, at freight na ginagamit ng mga magsasaka at mangingisda kung tatagal ang tensyon.






















