Tiniyak ni Meralco Chairman at Chief Executive Officer Manuel Pangilinan na handa silang makipagtulungan sa pamahalaan sa panukala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na alisin ang system loss charges sa singil sa kuryente ng mga konsyumer.
Gayunman, kinuwestiyon niya kung sino ang sasagot sa gastos kapag tuluyang inalis ang system loss charges sa mga bayarin sa kuryente.






















