Nakatutok na ang Senado sa pagtalakay sa panukalang pambansang budget para sa susunod na taon kasunod ng pansamantalang pagpapaliban sa impeachment trial.
Ayon kay Sen. JV Ejercito, isasapubliko sa pamamagitan ng live streaming ang bicameral conference committee deliberations sa budget upang mapanood ng publiko ang proseso.





















