Hindi pa rin nagpapakita sa Senado si Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa.
Simula nang lumabas ang isyu na may warrant of arrest na inilabas ang International Criminal Court laban sa senador.
Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, Chairperson ng Senate Committee on Finance, nagpadala sa kaniya ng sulat si Sen. dela Rosa upang ipaalam na hindi siya makararating sa Senate plenary deliberation.






















