Humarap kahapon sa tanggapan ng Independent Commission for Infrastructure o ICI sina Quezon City 1st District Rep. Arjo Atayde at Caloocan City 3rd District Rep. Dean Asistio.
Nanindigan si Rep. Atayde na wala siyang itinatago at ang pagharap niya kahapon sa ICI ay upang marinig ang katotohanan sa kabila ng mga alegasyon.






















