Naaksidente ang isang rider at angkas nito matapos sumilip sandali sa cellphone habang nasa biyahe.
Nagkataon namang may medical responder ng UNTV News and Rescue na papasok sa trabaho at napadaan sa lugar ng insidente, kaya agad itong nagbigay ng paunang lunas sa mga biktima.

























