Nilinaw ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na peke o walang katotohanan ang kumakalat na post sa social media hinggil sa umano'y pamamahagi ng bonus ng ahensya ngayong holiday season para sa mga miyembro ng Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4Ps.






















