Nanatiling mataas ang banta ng money laundering sa Pilipinas matapos matukoy ng Anti-Money Laundering Council na patuloy itong sinasamantala ng mga kriminal na sangkot sa ilegal na droga, panloloko, at environmental crimes.
Sa inilabas na national risk assessment, sinabi ng AMLC na umuusbong ang mga modus operandi sa pamamagitan ng digital platforms, cryptocurrency, casino junkets, at cross-border remittance networks.






















