Nakatakdang ibaba sa Lunes, February 9, ang hatol kay Hong Kong media tycoon Jimmy Lai.
Noong Disyembre ng nakaraang taon, napatunayan siyang guilty sa kasong pakikipagsabwatan sa mga dayuhan.
Kabilang dito ang umano’y pakikipag-ugnayan sa Estados Unidos at paggamit ng kaniyang pahayagan upang maglathala ng mga materyal na laban sa pamahalaan ng China.






















