Ngayong Huwebes, November 20, isusubasta ang 7 mamahaling sasakyan na nabawi mula sa pamilya Discaya.
Ayon sa isang opisyal ng Bureau of Customs, magsisilbi ang auction bilang simbolo ng restitution o pagbabalik sa gobyerno ng mga pondo mula sa anomalya sa flood control projects.
Bawal lumahok sa auction ang pamilya Discaya at ang mga importer na nagpasok ng naturang luxury cars sa bansa.






















