Muling binigyang-diin ng Malacañang na hindi sasali si President Ferdinand Marcos Jr. sa hinihinging hair follicle drug test.
Sinabi rin ng Palasyo na wala pang plano ang First Family na magsampa ng legal na aksyon laban kay Senator Imee Marcos kaugnay ng naging pahayag nito sa isang rally kahapon.






















