Kapansin-pansin na hindi nagkamayan sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Pangulo na ngayo’y Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo sa isang event kanina sa San Jose del Monte, Bulacan.
Makikita sa video na habang nakahilera ang mga kapwa panauhin para sa photo opportunity, isa-isa silang kinamayan ni PBBM maliban sa former president.






















