Pinaghahandaan na ng pamahalaan ng Pilipinas ang nagbabadyang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo kasunod ng mga pag-atake sa Gitnang Silangan.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., may mga hakbang nang isinasagawa ang gobyerno, kabilang ang paghingi ng emergency powers ng Pangulo upang tugunan ang posibleng epekto ng oil price hike.
Sinabi rin ng Pangulo na nananatiling malaking hamon para sa pamahalaan ang paglikas sa mga Pilipinong naiipit sa kaguluhan.






















