Malapit nang matapos ng legal team ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang panibago nilang referral sa Office of the Ombudsman. Ito ang inihayag ni DPWH Sec. Vince Dizon nang matanong tungkol sa update sa inihahanda nilang referral kaugnay ng umano'y anomalya sa mga proyektong kontra baha sa Cebu.





















