Walang magiging epekto sa ICC case ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang umano’y pagtakas ni Sen. Ronald dela Rosa, ayon kay International Criminal Court Assistant to Counsel Atty. Kristina Conti.
Sinabi rin ni Conti na nakasalalay sa magiging resulta ng imbestigasyon ang posibleng pananagutan ni Sen. Robin Padilla kaugnay sa umano’y pagtulong kay Dela Rosa.






















