Pormal nang naglabas ng subpoena ang panel of prosecutors ng Department of Justice (DOJ) laban kina dating Senador Ramon Bong Revilla, Jr., Senador Jinggoy Estrada at dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan.
Kaugnay ito ng reklamong plunder na isinampa ng National Bureau of Investigation kaugnay pa rin ng flood control projects anomaly.






















