Posibleng tumagal ng hanggang tatlong araw ang masikip na daloy ng trapiko sa North Luzon Expressway (NLEX).Simula ngayong gabi, inaasahan ng pamunuan ng NLEX ang pagsisimula ng pagbigat ng trapiko sa Balintawak Toll Plaza, na inaasahang magpapatuloy hanggang Lunes.























