Nagkasundo ang Metropolitan Manila Development Authority at Metro Manila Council na pansamantalang suspindihin muna ang pagpapatupad ng pass-through fees sa mga sasakyang naghahatid ng mga produkto gaya ng pagkain at langis.
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, hindi lang pass-through fees ang suspendido kundi maging ang iba pang delivery fees na ipinapataw ng mga LGU.






















