Nagsimula na ang special payout ng fuel subsidy para sa mga taxi driver sa ilang lugar sa bansa.
Ayon sa Department of Transportation, mula sa electronic transfer ay ginawa itong face-to-face dahil sa mga isyu sa beripikasyon ng may-ari ng e-wallet account.
Dahil dito, kinailangang pumila at magtiis sa init ang ilang tsuper upang makuha ang kanilang ayuda.






















