Alam n’yo ba, mga kasangbahay, tinatayang mahigit 1.5 bilyong tao sa buong mundo ang may hearing loss?
Ayon sa World Health Organization (WHO), posibleng umabot ito sa 2.5 bilyon pagsapit ng 2050 dahil sa aging, matinding noise exposure, at mga impeksyon o sakit sa tenga. Narito ang mga mahahalagang ear care tips at kung paano nga ba natin mapoprotektahan ang ating pandinig mula kay Dr. Gil Vicente, ENT – Head & Neck Surgeon.

























