Sa panahon ngayon, mabilis ding nagbabago ang workplace culture. Kung noon, ibang-iba ang sistema sa opisina ngayon mas open, mas vocal, at mas conscious na ang mga empleyado lalo na ang Gen Z workforce.
Pero dahil dito, minsan nagkakaroon din ng misunderstanding pagdating sa work ethics, communication, boundaries, at expectations sa corporate environment.
Para pag-usapan kung paano nga ba natin mas mapapabuti ang workplace relationships—at paano magkaintindihan ang iba’t ibang henerasyon sa loob ng opisina, narito ang international speaker and trainer na si Ken Lizardo.
























