Target ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tapusin ang pamamahagi ng P5,000 ayuda para sa tricycle drivers sa loob ng tatlong araw.
Magsisimula ang pamamahagi bukas, March 17.
Tiniyak naman ng DSWD at ng Department of Transportation ang pagbibigay ng ayuda sa mga tsuper ng iba pang uri ng pampublikong transportasyon.






















