Inaasahang magpapatuloy ang pagtaas ng singil sa kuryente mula Pebrero hanggang Marso ayon sa Manila Electric Company o Meralco.
Dahil dito, panibagong dagdag-gastos ang haharapin ng mga consumer, lalo na sa mga pamilyang may mataas na konsumo ng kuryente, kasabay ng patuloy na pagtaas ng presyo ng iba pang pangunahing bilihin.






















