Iginiit ng Coalition 169 na hindi aprubado ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang ipinapataw na P169 computer fee sa pagpaparehistro ng mga sasakyan.
Ito ay sa gitna ng umano’y hindi pag-usad ng reklamong inihain nila sa Office of the Ombudsman halos isang buwan na ang nakalilipas.
Samantala, nanindigan naman ang Land Transportation Office (LTO) na lehitimo at may legal basis ang paniningil ng computer fee.






















