Binisita nina Duke at Duchess of Sussex na sina Prince Harry at Meghan Markle ang mga survivor at emergency responders ng Bondi Beach attack sa Sydney, Australia.
Nakipagpulong ang mag-asawa sa volunteer lifeguards at community leaders sa Bondi Beach, kung saan naganap ang madugong pag-atake noong December 14, 2025 na ikinasawi ng mga biktima at ikinasugat ng marami pa, kasabay ng isang Hanukkah event.





















