Pinag-aaralan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang panukalang itaas sa P15 kada litro ang fuel discount para sa mga public utility vehicle (PUV).
Samantala, hindi rin isinasantabi ng ahensya ang posibilidad na maaprubahan ang hiling na taas-pasahe sa mga jeep.























