Tiniyak ni Ombudsman Crispin Remulla na magiging mas mahigpit ang kanyang tanggapan sa pag-iimbestiga ng mga kaso ng katiwalian sa pamahalaan.
Matapos siyang manumpa bilang ika-7 Ombudsman ng bansa, sinabi ni Remulla na prayoridad niya ang case build-up sa kontrobersyal na flood control scandal upang agad makapagsampa ng kaso sa Sandiganbayan.