Nailipat na sa kustodiya ng Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue ang 19 mamahaling sasakyan na pagmamay-ari ng kontrobersyal na mag-asawang contractor na sina Curlee at Sara Discaya.
Ayon sa BIR, tinatayang aabot sa P8-B ang buwis na sinasabing dapat na mabayaran mula sa mga sasakyang ito.






















