Nanindigan ang defense team ni Vice President Sara Duterte na handa silang pabulaanan at depensahan ang mga alegasyong inilalatag sa pagdinig ng House Committee on Justice.
Gayunman, muling iginiit ng kampo ng pangalawang pangulo na hindi pa rin nila kinikilala ang hurisdiksyon ng Kamara sa pagsasagawa ng pagdinig.






















