Pinag-aaralan na sa Senado ang iba’t ibang scenario sakaling magtuloy-tuloy ang kaguluhan sa Gitnang Silangan.
Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, nagbigay na siya ng mga suhestiyon sa administrasyon upang mapagaan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis.






















